Margaux Arevalo Maganda ang naging gising ko dahil sa hindi ko na kailangan pang pumunta sa filming ng Victoria. Kaya naman ang kadalasan kong gising na alas- sais ng umaga kapag may pasok ay naiba, nagising ako ngayon ng alas kwatro ng umaga. Nag-inat ako ng katawan then I turned on my Spotify connecting my phone into the speaker. "How nice," kalmado kong turan saka ako lumabas ng silid upang kumuha ng kape. Natigilan ako nang mapuna kong wala pa ring ni isa sa mga katiwala ang gising but I shrugged the thought off my head dahil na rin sa alas kwatro pa kaya marahil tulog pa ang mga ito. "Hm, umuulan. Napakagandang araw," bulalas ko. Of all the seasons, rainy seasons ang gustong-gusto ko sa Pilipinas. Now I understand why no one's awake aside from those bodyguards outside. Romana, Han