Third Person's POV Isang araw lang ang itinagal ni Margaux sa hospital sapagkat inuwi na agad ito. "Why did they bring her back here, isn't she supposed to be at the hospital?" Gulat na tanong ni Enrique nang makitang ipinapasok na nila ito sa silid. "It's because its much more safer here than there," sagot naman ni Aurelio. Napatigil sila sa pag-uusap nangakita nila si Magnus na pababa ng hagdan. Bakas ang galit sa mukha nito. Sinalubong nito ang kakapasok lang na si Mikhael saka ito kinwelyuhan. "How did this happened to my house, Mikhael?" Nanggagalaiti sa galit ang panga nito habang sinasabi iyon. Hindi nakaimik si Mikhael ngunit hindi rin ito nag-iwas ng tingin. Palaisipan din para sa kanya kung paano nakapasok ang salarin. "I almost lost her, Mikhael." Pabulong na turan ni Mag