Third Person's POV Nang makaalis na si Akira ay inakbayan ni Sato si Dawson saka pasimpleng tinapik ang balikat nito. "Daizo, I see you've been coming here more often," saad nito. "Yes, I have to talk to you about something important," sagot nito. Inilagay ni Sato ang mga kamay sa likuran saka naglakad palabas ng bahay kasabay si Dawson. "What is it," tanong niya dito. "About the heiress," nag-aalangan man ay nagawa rin na sabihin iyon ni Dawson. Natigilan ang pinuno ng yakuza. Alam ni Dawson an sensitibong paksa ang ungkatin ang nawawala nitong apo. "Don't give me false hope, Daizo." saad ng matanda saka nag sindi ng sigarilyo. Dinukot ni Dawson ang cellphone sa kanyang bulsa at ipinakita ang isang larawan. Isang marka na nag hugis tala sa batok ng babae. "Ho-Hoshiko!" bulalas ng