Celine Brugatti "Oh, anong ikinasisimangot mo?" tanong ni tita Dorella sa akin. Sino ba namang hindi sasama ang araw matapos ang inasta ng pobreng babae na 'yon sa akin sa harap ng lahat. "I'm just so pissed off with someone, tita." Tipid kong sagot dito. "Hm, let me guess, it's a woman," aniya habang tinuturo ang mukha ko. Hindi ako sumagot, sa halip ay napabuntong hininga na lamang ako. "I'm right!" bulalas nito nang makita ang ekspresyon ko. Dahil sa nabasa naman ni Tita ang saloobin ko ay hindi na ako nagsinungaling pa, "yes, I'm so pissed with that woman," saad ko. She poked my nose. "What did she do?" tanong nito. "She embarrassed me in front of the people, my co-workmates and in front of Magnus," sagot ko. Muling sumiklab ang pagkainis ko nang maalala ang nangyari kanina. "So