Margaux Arevalo Matapos ang pag-uusap namin ni Magnus sa loob ng sasakyan ay bumalik na kami sa set. Pagdating ko do'n ay tila ba may pinag-uusapan ang mga ito. Lumapit ako kay Irene na siya ring kakarating lang, "Irene, anong meron?" tanong ko dito. "Alin?" tila blind nitong sagot, halatang wala itong ideya. Inginuso ko ang mga nagkukumpulang mga tao, agad namang lumapit si Irene do'n at saka nakiusyuso. Mula sa kinatatayuan ay dinig ko ang pag-uusap nila. "Anong meron?" tanong ni Irene dito, agad namang napalingon sa kanya ang lahat at saka napatingin sa akin. Nabigla ako nang kamayin ako ng mga ito palapit. "Bakit?" tanong ko dito. "Alam niyo na ba?" Bungad ng isa saka mas lalo pang inilait ang sarili sa kanila. "Sa malamang hindi, kaya nga nagtatanong 'di ba?" masungit na turan