"Hoy, babae ka! Saan ba tayo pupunta at mukhang sinaniban ka ng masamang espirito?" tanong ni Anna Marie sa kaibigang mukha naman talagang pinasok ng kakaibang nilalang. "G*ga! Basta sumunod ka sa akin. Ayon mukhang nagpapakamatay na ang crush mo!" Pinandidilatan pa talaga siya nito. Subalit wala naman siyang kaalam-alam sa sinasabi nito ay hindi siya nagpatinag. "Aba'y! Hoy, Agent Anna Marie Diwara. Ang amo nating nagpapakamatay na yata ay hinihila na nga ng mga walang kaluluwang nilalang ayaw pa yatang lumaban!" Saka pa lamang siya natinag dahil sa tinuran nito. Tama nga naman. Kaya sila napadpad sa himlayan na iyon dahil sinundan nila ang big boss ng BNRO. Wala naman silang formal na relasyon kaya't ninais din nilang malaman ang totoo nitong damdamin. Dahil bukod sa kagaya nila iton

