"Who are you both?" ang mga katagang unang nanulas sa labi ni Sean Emerson nang iminulat ang paningin. "Mga good Samaritans kami---" "Ang sama-sama talaga ng bibig mo, Mr Xavier. Aba'y ako maari mong tanungin ng ganyan. Ngunit ang asawa mo ay baka naman maaring kumustahin mo muna?" Maagap na pamumutol ni Joyce Ann sa pahayag ng kaibigan. Hindi naman siya galit. Ngunit may kailangan siyang kumpirmahin. Well, magkaibigan silang magkaibigan ng lukreng ngunit handa siyang magsakripisyo para rito. Parehas na nga silang tumatanda ngunit nagpapakalukreng pa talaga. Kaya't siya ang gagawa ng hakbang para mapaglapit ang mga ito. "Asawa? Kung mag-asawa kami ay bakit wala kaming mga suot na wedding ring? Saka sino ba kasi kayong dalawa?" muli ay tanong ng binata. "Tsk! Tsk! Ikaw na nga ang tinu

