"Did I heard right? Your brother is missing?" maang na tanong ni Aaron Sud said ikatlong anak. "I'm sorry, Papa. Pero totoo po ang sinabi ko. Tumawag si Kuya Luther, ayon po sa kaniya ay tinupok ng apoy ang GARDEN OF PEACE. Ngunit walang bangkay na natagpuan samantalang nandoon naman daw ang sasakyan niya," malungkot na pahayag ni Kwanchai Kris. Sa narinig ay napaupo si Aaron Sud. Mula noon hanggang sa kasalukuyan ay sunod-sunod ang mga problemang dumarating sa buhay nila. Kagaya sa pagkakataong iyon, kung tutuusin ay hindi pa lumilipas ang araw simula nang nabawi nila ang asawa niya mula sa mga sira-ulong walang magawa sa buhay. "Ano ngayon ang gagawin natin, sweetheart? Marami sila roon pero si Sean ang nawawala. Shall we go home to be with them too?" Dahil sa pananahimik ng mahal

