"Boss, may tao rito sa labas hinahanap ka," wika ng isang unipormadong guwardiya kay Sean sa intercom. Siya naman kasi ang nasa malapit sa kinaroroonan ng gadget kaya't siya na rin ang sumagot. "Pakitanong kung sino siya at ano ang kailangan niya," tugon niya. Subalit kung kailan nasabi niya iyon ay saka naman naalalang maaring makita kung sino ang nasa labas sa pamamagitan ng intercom mismo. Kaya't dali-dali niyang tinawag ang guwardiya. "Yes, Boss." "I know that man. Kindly escort him here inside." "Okay, Boss. I will." "Thank you." Nang naibaba niya ang intercom ay humarap siya sa dalawa pa niyang kapatid. "Who's that visitor, Kuya? Aba'y gabi na pero may naghahanap pa rin sa iyo," ani Luther. Sa mukha pa nga lang nito ay halatang naghihintay na nang paliwanag. "It's Mr Lopez

