"How many days did I slept, wifey?" Ang unang nanulas sa labi ni Aaron Sud makalipas ng ilang araw na pagtulog. Tuloy ay napasimangot ang mahal na asawa. "Papa, aba'y imbes na kumustahin mo po si Nanay ay iyan pa po ang naitanong mo?" nakatawa ring tanong ni Mayure Kaye. "Ayan tuloy, Papa. Nakasimangot na po si Mama. Kaya't ako na po ang sasagot sa tanong mo. Kung hindi ka pa po nagising ngayong araw ay isang linggo na sana. Ngunit masaya po kaming lahat dahil sa wakas ay gumising ka na," paliwanag ni Keith Wesley. Mapanukso ang tinig nito pero bakas din ang kaseryosohan sa bawat salitang lumalabas sa labi. Kaya't agad inilibot ni Aaron Sud ang paningin sa mga nandoon. "Nasa labas kami kaninang nagkagulo-gulo dahil sa iyong paggising, Parekoy. Kaya nga kami ang unang nandito. Kumusta

