"Kuya, what's the matter? I mean bakit mo gustong ipagkatiwala sa akin ang BNRO? Tama pag-aari nating lahat ang organisasyon ngunit matagal ng ikaw ang namamahala. What's on that sudden decision?" hindi makapaniwalang tanong ni Luther sa kapatid. Ilang buwan na rin simula noong dumating silang mag-asawa mula sa honeymoon travel nila. At nakailang beses na rin siyang kinausap ng kapatid na mag-take over muna sa BNRO. Noong una ay hindi niya pinapansin dahil buong akala niya ay nagbibiro lamang ito. Ngunit nang naglaon, sa tuwing umuuwi silang mag-asawa mula sa destino hanggang sa home run na sila sa siyudad ay ganoon pa rin. Iyon ang bukam-bibig nito. "Let's say that I want to free myself from it for a while, bro---" Kaso hindi niya ito pinatapos. Kilala niya ito. Simula't sapol ay wala

