GARDEN OF PEACE "IT'S been a while since your last visit, Master." Salubong ng taga-bantay sa libingang iyon. "Opo, Tata. Kaya nga po sinadya ko ang araw na ito upang bisitahin si Lolo. Baka ho magtampo na siya sa akin," tugon niya. "Kahit nasa kabilang buhay na ang Lolo mo ngunit masasabi kong masuwerte pa rin siya. Dahil nagkaroon siya ng apo na tulad mo. Sige na, Master, magpatuloy ka na roon sa puwesto niya." Itinuro pa ng matanda sa kinaroroonan ng puntod na kaniyang bibisitahin. Nakangiti at tumango-tango na lamang siya bilang tugon saka siya nagpatuloy. NANG nailapag na niya ang tatlong kandila at isang bungkos ng rosas ay pumuwesto na siya sa mismong harapan ng puntod. Pinagawan naman kasi nila ito ng bakod kaya't may bubong at dingding din. Malawak rin ang espasyo kaya't kahi

