"Oh, big brother, what's on that furious face?" salubong na tanong ni Kim Grae sa bagong dating na kapatid. Ngunit imbes na sagutin ito ni Walter Grae ay hindi bagkus ay hinablot niya ang kuwelyo ng damit nito. "Huwag na huwag mo akong matawag-tawag na Kuya, hayop ka! Hindi ka pa rin nagbabago, isa ka pa ring manloloko. Wrong choices of words again, Kim Grae! Dahil hindi ka lang manloloko kundi sinakop mo na lahat ang mga salitang maaring ibato sa isang hayop na tulad mo!" Dahil na din sa galit ay hindi na niya inalintana ang maaring reaksyon nito. Wala naman talaga siyang pakialam dahil bukod sa reputasyon niya bilang isang tapat at marangal na alagad ng batas ay baka tuluyan nang mawala sa kaniya ang babaeng pinakamamahal. Ngunit hindi niya iyon papayagang mangyari kahit silang dalawa

