"Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko, Pare. Dahil totoong nagkita at nag-usap ang dalawa. Ang pagkakaiba nga lang ay walang kamalay-malay si Walter Grae na nandito sa Thailand ang kapatid," pahayag ni Mundo. "Okay lang ba kayo ni hipag, Pare? Kasi sa tanang buhay nating lahat ay ngayon lang sumalungat ang mga anak mo sa iyong desisyon," saad naman ni Ron. "Iyon na nga mga Pare. Lalong-lalo na itong si Sean Emerson. Simula't sapol ay sang-ayon sa bawat desisyon ko. Kung may sasalungatin man siya ay magbibigay ng suhestiyon. Si Kwanchai Kris ang dati-rating prangka. Kung ayaw niya ay walang makapagpigil unless na ako ang makiusap na pagbigyan ako. Hindi ko lang alam kung ano ang sasabihin ni Luther kapag malaman nito ang naging desisyon ng mga kapatid," malungkot na pahayag ni Aa

