Napalingon ang mga nag-uusap sa mansion ng mga Xavier dahil sa biglang pagsulpot ng ibang membro ng pamilya. "Sa pagkakaalam ko ay pinalaki ko kayong lahat ng maayos at may paggalang sa amin ng Tatay ninyo. Ngunit ano ang nangyari at bigla na yatang nag-iba ang takbo ng mundo ninyong dalawa, Sean Emerson at Kwanchai Kris?!" Dahil sa gulat ng Ginang ay napalakas ang kaniyang boses. Kahit ano'ng oras ay maaring maglabas-pasok ang bawat membro ng pamilya nila. Ngunit dahil na rin sa gulat at inis sa mga anak ay iyon ang nanulas sa labi ni Mrs Mariz Kaye Xavier. "Tama nga naman po si Mama, my dearest brothers. Lalong-lalo na sa iyo, Kuya Sean. Kahit mga pasaway kaming apat sa iyo ay nanatili kang tahimik at pangiti-ngiti lang. Ikaw pa nga ang nanaway kapag puro kami harutan. Kaya't nakapagt

