"Boss, hindi ba't siya iyong lalaking pinaimbistigahan sa atin ni Sir Aaron few day ago?" tanong ng isa sa mga tauhan ni Sean Emerson sa kaniya. Kaya naman ay agad siyang natigilan at hinarap ito. "Nasaan? I mean nasaan ang tinutukoy mo?" tanong niya rito. Dahil wala naman siyang makita bukod sa mga mangilan-ilang passers at maaring papasok sa kampo ng militar na nasa hindi kalayuan mula sa kinaroroonan nila. Kaso ang isa naman sa mga ito ang sumagot. "Turn to the right direction from here, Boss. And if I'm not mistaken, he is talking to Mr Wong. One of the youngest and top business contributors here in Thailand," anito. Hindi na siya nagsalitang muli bagkus ay tahimik siyang lumingon sa dereksyong itinuro ng mga tauhan. At ganoon na lamang ang paglaki ng mga mata niyang singkit! Tam

