"Sweetheart, I know that it's inappropriate to say these words but I must say it. Huwag kang malungkot sa pagkawala ni Pareng Mundo dahil sigurado akong iyan din ang sasabihin niya sa iyo." Pang-aalo ni Mariz Kaye sa asawang halatang under-shocked sa natanggap nilang balita. "Sa aming grupo ay siya ang unang-una kong nakilala, wifey. Nakilala man niya ako bilang Luther Bartolome sa lansangan ng Tondo ngunit siya ang taong nakasama ko ng ilang taon bago namin nakasama sina Pareng Bong at Pareng Ron," tugon nito na hindi man lang kakitaan ng ano mang emosyon. "Nauunawaan kita, sweetheart. Dahil walang hindi nalulungkot sa ating lahat sa kaniyang pagkamatay. Ganoon pa man ay kagaya nang lagi nating sinasabi sa mga mahal natin sa buhay mas maluwag ang biyahe ng mga pumapanaw kapag tanggapin

