"Paano n'yo nalaman ng kaibigan mo na papuntang sementeryo ang anak ko, Hija? We owe you his second life," saad ni Cassandra Keith sa saviour ng pamangkin. Kaso dahil nahihiya ito ay napatingin sa ina ng mismong amo. Ngunit tinanguan lamang nang nakangiting si Ginang Mariz Kaye. "Don't be shy to any of us, Hija. We belong to a big family. Bigla na lamang kaming sumusulpot sa tahanan ng aming mga kapamilya. Kagaya naming mag-iina ay biglang pumarito. Kung hindi lang siguro Thailand base ang kambal ko at asawa niya ay ganoon din ang gagawin dito. Pero ganoon pa rin, hindi nagpapasabing uuwi," muli ay sabi ni Cassandra Keith dahil hindi nalingid sa kaniya ang pag-aalinlangang sumagot ng dalaga. "Tama ang Mama Cassandra n'yo, anak. Mas matutuwa pa kami kapag active ka at maging masaya kapag

