TBSM: Kabanata 122

1304 Words

Hindi magkamayaw si Isabel sa pag-iyak. Nahihiya man siya sa driver ng kanyang lolo pero hindi talaga niya mapigilan na hindi umiyak dahil sa nasaksihan niyang tagpo bago siya umalis sa tapat ng mansion nina Ellion. Kitang-kita niya ang kanyang Tita Raine ng bumaba ito sa kotse at walang pakundangang niyakap at hinalikan ang kanyang asawa na tila ba tanggap na tanggap lamang naman ng kanyang magaling na asawa. Para kasing natulala pa ito at tila ninamnam pa ang yakap ng babae. Doon pa lamang natitiyak niya na talagang walang pagmamahal sa kanya ang asawa lalo na sa kanilang anak dahil sa ginawa nito. Paano nito nagawang makipaghalikan at makipagyakapan sa babaeng iyon kahit na batid naman nito na nandoon siya at nakamasid sa mga ito. Kanina ng makita niya ang dalawa parang gusto niyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD