Pabiling-biling sa higaan si Ellion, iniisip niya ang kanyang mag-ina kung kumusta na ba ang mga ito. Iniisip niya na baka nasa Cavite lamang ang kanyang mag-ina dahil nandoon si lolo Eliseo at bukas o sa isang araw pa ang mga ito magtungo sa rancho. Kanina pa niya tinatawagan ang kanyang asawa ngunit sa tingin niya ay naka-block na siya sa number na gamit nito at maging sa f*******: nito at messenger ay naka-block na rin siya. Kaya naman gumamit siya ng bagong account at bagong number para lamang ma-contact ang kanyang asawa ngunit nagri-ring man hindi naman sinasagot nito mukhang batid nito na siya ang tumatawag. Mas lalong siyang mabaliw-baliw kapag naiisip niya kung paano umiyak si Isabel kanina. Batid niya na nasaktan niya ito sa nasaksihan kanina. Baka nga iniisip nito ngayon n