“Anong ginagawa mo dito sinabi ko ba na puntahan mo ako sinabi ko ba nasundan mo ako ha?!” Galit na wika ni Isabel kay Ellion. Hindi niya na-isip man lamang na makikita doon si Ellion dahil akala niya kanina ay masaya na ito sa piling ng kanyang Tita Raine at dahil nagkasama-sama na ito pati na si Shane na anak ng mga ito Kaya nga buo na ang pasya niya na ipaubaya na lamang ang lalaki sa kanyang Tita pero hindi niya maintindihan kung bakit at ano ang ginagawa ng lalaki ngayon sa labas ng bahay na pag-aari ng kanyang lolo. At hindi rin niya alam kung papaano sila natunton ng lalaki. Nakakapagtaka dahil hindi naman alam ni Ellion ang bahay na ito. Kahit na siya ay hindi niya alam na may bahay pala sila dito sa Cavite, kaya nakakapagtaka na nakagawa talaga ito ng paraan para mahanap sila