Inayos na muna ni Issay ang mga ginamit nila ng kanyang Sir Ellion, pero habang inaayos niya ang mga kagamitan ay litong-lito ang kanyang isipan dahil sa mga sinabi ng lalaki. Ayaw niyang umasa pero sa mga sinasabi nito kanina sa kanya ay mukhang may pinaplano ito para sa kanilang dalawa. Pero nakakapagtaka lamang bakit parang umaasa ang kanyang puso tila nawawala na siya sa totoong plano niya sa buhay. Bakit parang pakiramdam niya ay nagugustuhan din niya ang sinasabi nito na manirahan sa resort na iyon kasama ito, mamuhay ng payapa at tahimik. "Haysss ano bang nangyayari sayo Issay? Huwag kang padadala sa mga salita ng lalaking iyan, Mama's boy nga 'di ba?! kaya wala kang mapapala diyan.” Naiiling na paalala niya sa kanyang sarili. Maya-maya ay naiayos na niya ang lahat ng gamit a