“Issay pwede bang pumasok ka muna dito saglit ang sakit ng binti ko dala mo ba yung ointment? Sobrang sakit talaga please pasok ka muna dito tulungan mo ako.” Narinig ni Issay na wika ni Ellion na tila nahihirapan ang boses. Mukhang inaatake na naman nga ito ng pananakit ng mga binti nito. Mabuti na lamang pala at naisipan niya na dalhin kanina ang ointment nito. Gabi-gabi kasi nitong iniinda ang pananakit ng paa or pangangalay. Kaya naman tuwing gabi ay palagi na niyang nire-ready ang gamot nito iyong ointment na siya mismo ang bumili. Mabuti na nga lamang at kahit papaano pala ay nakakatulong ito para maibsan ang pananakit ng hita ng lalaki. Maanghang kasi ang pang-haplas na iyon. Nabili niya sa isang matandang minsan ay naglalako sa bayan mabuti na lang natyempuhan niya iyon. Is