Malungkot na nakatitig si Ellion sa kanyang asawa na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Ligtas na ito sa kapahamakan na cesarean ito ng wala sa oras para mailigtas lamang ang kanilang baby. Pero hanggang ngayon, ilang oras na ay wala pa ring malay si Issay pero sabi kasi ng doktor na normal lamang daw iyon dahil na rin sa pampatulog na itinurok dito at anesthesia. Abot-abot ang pagdarasal niya kanina na makaligtas si Issay at maging ang kanilang anak. Kaya naman ng sabihin ng doktor kanina sa kanya na ligtas na ang kanyang mag-ina ay naiyak talaga siya ng todo. Ni sa hinagap hindi man lang niya naisip na iiyak siya ng ganito ng dahil lamang sa isang babae. Pero kasalanan naman niya ang lahat hindi niya akalain na ganun ang mangyayari kay Issay. Iyong intensyon niyang maganda ay