"Ano bang kalokohan ang pinagsasabi mo lalaki! Hindi siya ang babaeng sinasabi mo! Pamangkin siya ng isa sa mga kasambahay namin at naging alalay ko siya at tagapag-alaga noong panahong hindi pa ako nakakalakad. Hanggang sa mainlove kami sa isa't-isa kaya kami ngayon ay nagpakasal na! Halos isang taon na kaming kasal kaya pwede ba lumayas ka dito sa silid ng asawa ko dahil kailangan niyang magpahinga!" Singhal niya sa lalaki. "Bobo ka ba? O tanga?! Hindi siya asawa ng kahit na sino, dahil ako lang ang may karapatang maging asawa niya! Siya si Isabel, hindi ako maaaring magkamali. Halos isang taon ko na siyang hinahanap kaya ikaw ang tumahimik diyan at lumayas ka na dahil ililipat siya sa VIP Room!" Galit na wika nito. "Tang*na! Wala ngang makikialam diba?! Ikaw ang bobo, dika makaintin