Isang linggo ang nakalipas. Nakalabas na sa ospital si Aling Helena, ang kanyang Lolo naman ay nananatili muna sa isang hotel sa bayan at gano’n din sila. Tuluyan na nilang inibanduna ang resort, matapos ang mga nangyari hindi na nila kaya pang manirahan doon. Dumanak ang dugo sa resort na iyon kaya nais ni Ellion na ibenta na lamang iyon. Pero napigilan niya ito, masaklap ang dinanas nila sa resort na iyon pero marami ding masasayang ala-ala sila sa resort. Naisip niya na panatilihin ang resort na iyon, ipa-renovate para magbagong mukha. At balak niyang ipagkatiwala iyon kay Anthony dahil sa kabutihan nito. Tiyak niya na matutuwa ito sa balak niya, kakausapin niya ito na doon na lang manirahan kasama ang pamilya nito. Ito ang bahala kung bubuksan nito ang resort para sa ibang tao