Abot-abot ang pasasalamat nila kay Manang Helena dahil sa pagvolunteer nito sa kanila na maging donor ng kanyang lolo. Kaya naman matapos ang halos isang oras lumabas na ulit ang doktor at masayang binalita nito sa kanila na okay na ang kanyang lolo. Pati na si Manang Helena ay okay na rin. Kahit papano ay naging masaya na rin si Isabel at hinihintay na lamang ang mailipat sa private room sila manang Helena pati na ang kanyang lolo. Nawala na ang tinik sa kanyang lalamunan lalo na ang matinding kabang nagpapahirap sa kanya kanina pa. Ngayong tiyak na niyang ligtas ang kanyang lolo hindi niya maiwasan ang hindi maluha sa kabutihan ng Panginoon sa kanya. Hindi talaga nito pinabayaan na mawala ng tuluyan sa kanya ang mahal niyang lolo. SAMANTALA Kumalat ang trahedyang naganap sa r