TBSM: Kabanata 40

1111 Words

Matapos iligpit ni Issay ang pinagkainan, ang mga tirang ulam naman ay itinabi niya. Hindi niya sinunod ang nais ng señora na itapon ang mga pagkain dahil halos hindi naman nagalaw ang mga iyon. Bali apat na putahe kasi ang ulam na dala-dala nito at halos dalawa lamang ang nagalaw doon kaya nakakapaghinayang naman itong itapon. Ewan ba niya kung bakit naiisip na niya mga bagay na iyon ngayon samantalang dati wala siyang pakialam sa mga natitira niyang pagkain. Dati wala rin siyang pakialam kung ano ang iluluto ng mga kasambahay. Minsan nga napakarami ng ihahayin sa kanya ng kanyang yaya. Tapos ang makakain lamang niya doon ay isa o dalawa. At hindi pa niya nauubos tapos wala na siyang pakialam kung ano ang gagawin doon ng kasambahay. Pero ngayon na naranasan na niya ang magluto, i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD