“Ang mga walang hiya ang kakapal talaga ng mukha ng mag-ina na iyan. Ano pang ginagawa nila dito tinawagan ko na sila at pinagsabihan ang ina ng dalagitang iyon! Tama lamang talaga ang naging pasya ko na hindi siya ipakasal sayo noon, dahil kung hindi siguradong sakit ng ulo mo ang babaeng iyon!” Inis na wika ng mama ni Ellion. Wala pa rin kasing tigil sa pag doorbell at pagwawala ang dalawa sa labas hindi na niya maintindihan kung bakit parang napakalaki na ng pagbabago ni Raine. Samantalang hindi naman ito ganun dati para bang napakagarapal na ng mukha nito. Noon nga ng pinaghiwalay sila ng kanyang Mama, oo lang ito ng oo. Hindi ito sumasagot man lamang sa kanyang Mama. Mahinhon talaga ito noon at matino. Pero ngayon, talagang pinaglalaban nito ang nais nito kahit na hindi na tama.