Halos maikuyom ni Ellion ang kanyang dalawang kamao habang pinapanood ang monitor ng CCTV. Kitang-kita niya doon ang totoong nangyari at hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ni Shane sa sarili nito para lamang magmukhang masama sa kanila si Isabel. Marahas siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa harap ng monitor ng cctv at mabilis siyang lumabas ng silid. "Shane! Shane! Tang*na! Sinungaling kang babae ka!" Galit na galit na sigaw niya habang naglalakad patungo sa dining area kung nasaan si Shane at ang kanyang Mama. Nasalubong niya ang kanyang asawa. "A-Asawa ko, sorry, sorry kung agad akong naniwala sa nakita ko. Alam ko na lahat sana mapatawad mo ako, pangako hindi na ulit ako maniniwala sa ibang tao. Sa iyo na lang, akala ko lang talaga kasi kanina totoo iyong naabutan ko, iyon