"Pero Mama hindi ninyo dapat tinanggap ang batang iyon dito ng gano'n-gano'n lang. Alam ninyo naman na may sarili na akong pamilya at saka hindi ko na kasalanan kung may anak pala ako sa labas. Hindi naman pinaalam sa atin eh. Napakatagal na panahon tapos ngayon lang magpapakita! Hindi pa nga natin sigurado kung talagang anak ko ang batang iyon!" tila mauubusan ng pasensya si Ellion habang kausap ang kanyang mama. "Pero anak dumating ang batang iyon dito na punong puno ng sigla at tila sabik na sabik sa amin ng Papa mo. Nakuha agad ni Shane ang loob ng iyong Papa at dahil anak mo nga siya ay hindi na nagdalawang isip ang iyong papa natanggapin siya. Ipinaliwanag din niya sa amin ang lahat at kung sino ang kanyang ina. Alam ko naman at hindi ko makakalimutan ang babaeng iyon at maging ang