"O kanina ka pa ba gising? Bakit nandiyan ka lang? Pasaway pinapanood mo ako matulog?" natatawang tanong ni Isabel sa kanyang asawa. Paano ba naman pagmulat ng kanyang mga mata ay nakaupo lamang ito sa kama. At tila ba pinagmamasdan siya habang natutulog. Nagtataka tuloy siya sa kinikilos nito kaya naman kunot noo siya habang nakatingin dito. "Woi bakit di ka nagsasalita diyan? May problema ba?" Tanong niya sa lalaki. Nakapanibago kasi ang kinikilos nito, dati kapag gano'n mang-aasar na ito sa kanya at talagang mauurat ka sa kakulitan nito. Pero ngayon tahimik lang ang pasaway at tila ba may malalim itong iniisip habang nakatingin sa kanya. "W-Wala naman, nagagandahan lang ako sa'yo kaya pinagmamasdan kita habang natutulog." nakangiting sagot nito sa kanya. "Ay sus nakakapanibago y