"Diyos ko! Anak ko! Mabuti na lang hindi kayo napuruhan ng hayop na iyon. Anak, doon ka na kaya magpagaling sa bahay. Aalagaan kita, sabi ko na nga ba at hindi mapagkakatiwalaan ang walang hiyang iyon pati ang anak kong si Ellion ay muntik pang mapahamak. Hayaan mo titiyakin kong mabubulok sa kulungan ang walang hiyang iyon!" Nag-aalalang wika kay Isabel ng ginang. Kung noon ay tinapunan siya nito ng pera, ngayon napakabait njto sa kanya at animo anak talaga siya kung ituring. Kung hindi siya nagkakamali ay nanay ito ni Ellion na nagpapakilalang asawa niya. Kahit na anong gawin nito na kesyo paluha- luha sa kanya ay halatang halata niya na peke lamang iyon. Dahil alam niya kung anong tunay na ugali meron nito. Unang araw pa lamang niya sa ospital ay sinugod na siya nito at binato ng pera