"Kumusta ka?" tipid na tanong sa kanya ni Ellion na noon ay nasa may gilid ng kanyang hospital bed. Di niya namalayan na nakatulog pala siya matapos silang mag-usap ng kanyang lolo at pasado alas sinco na ng umaga. Marahil sa sobrang pagod kaya siya ay nakatulog ng hindi namamalayan. Napansin niya na wala sa loob ng silid ang kanyang lolo. "Okey lang ako, teka nakita mo ba si lolo?" tanong niya kay illion. "Ah kinausap lamang ang doktor mo tsaka dinalaw din niya ang anak natin. Hinayaan niya lamang ako na manatili dito at pagmasdan ka habang natutulog." nakangiting sagot ni Ellion sa kanya. "Ah ganun ba, ikaw kumusta na? Hindi ba masakit ang mga sugat mo?" tanong niya dito. "Okay lang ako, matiyak ko lang na okay ka, magiging okay na rin ako. Medyo masakit pa yung mga sugat pero ok