SAMANTALA Habang nagpapahilan ang lahat napansin ni Ellion ang kanyang ina sa may likuran ng bahay na may tila pinapakinggan sa cellphone nito. Napansin niya ang panlalaki ng mga mata nito ng matapos nitong pakinggan ang kung ano sa cellphone nito. Maya-maya ay nag-ring iyon, nagtaka siya at lalong nanlaki ang mga mata nito ng tila mabasa nito ang nakarehistrong pangalan sa screen nito. Nagtaka siya kaya palihim siyang lumapit dito, iningatan niyang hindi siya nito mapansin. “Walanghiya ka! Bakit kailangan tumawag-tawag ka pa dito ha?! At bakit kailangan i-record mo pa ang usapan nating iyon? Ang kapal ng mukha mo ha, mahirap ka na pala. 50 milyon mong mukha mo! Kung hindi ko pa alam ang lihim mong hayop ka. Lulong ka pala sa sugal at kailangan mo pa talaga akong gamitin para makuha