Nakahiga na si Issay sa kama, sabi ni Ellion ay silid daw nilang mag-asawa iyon. Pakiramdam naman niya ay pamilyar nga ang silid na iyon. Medyo napagod siya kaya minabuti niya na mahiga na lamang muna doon para makapagpahinga. Inalalayan siya ng asawa ni Mang Ambo sa pagpasok sa silid na iyon. Mabuti naman at kaybait sa kanya ng may edad ng babae. Pero para namang palagay din ang loob niya dito kaya kahit papano ay hindi siya naiilang. Ang kanyang lolo naman na batid niyang napagod din sa kakabalik-balik sa ospital ay ipinagamit na muna dito ang silid sa itaas na dati daw niyang ginagamit. Ang mga tauhan naman nito ay sa cottage na nasa labas tumuloy. Pagod din ang mga ito at halos walang tulog kaya naman hinayaan lamang ang mga ito ng kanyang lolo na makapagpahinga. Nakakaawa din k