"Hayop kang babae ka!" galit na sigaw ng pangit na lalaki sabay hablot sa kanyang buhok. "Aahhh!" Daing niya dahil halos matuklap na ang kanyang anit dahil sa pabiglang paghila nito. Pero walang habas pa rin ang pagkakasabunot sa kanya ng lalaki. Gigil na gigil ito dilang kasi siya makakilos dahil nakatutok na sa kanya ang baril ng mga kasamahan nito. Nakita niya na tila nais ng manlaban ni Ellion parang balak nitong kuhain ang baril na nahawakan nito kanina. Iyong gamit ng lalaki pero bahagya siyang umiling at tinitigan niya ito sa mga mata na nagbababala na huwag itong lalaban, hayaan lamang siya nito. "Tangina mo! Ang angas mo kanina ah, ano ngayon mo ipakita iyang angas mo!" Galit na singhal nito sa kanya. "Pweee! Wag mong ilapit sa'kin iyang panget mong mukha hayop ka! Masaho