Maagang natripan ni Anthony na magtungo sa dalampasigan para mamulot sana ng shell. May mga guest kasi ang pinagtatrabahunan niyang resort na nais bumili ng mga shells na maaaring i-customize daw ng mga ito. Nag-suggest na ang ilan niyang mga kasamahan na mamulot na lamang ang mga ito sa dalampasigan pero tinatamad dahil nga medyo makulimlim ng time na iyon. Gano'n kasi ang sideline niya kapag may mga guest na nais magpagawa ng mga customize jewelry na gawa sa mga shell ay namumulot siya. Pero mas malaki ang kita kung siya mismo ang gagawa tapos bibilhin na lamang iyon ng mga guest. Simula ng ikasal si Isabel ay dumistansya na siya dito dahil na rin sa nagseselos ang asawa nito na pilantod. Kahit wala naman silang ginagawang masama ni Isabel na tinatawag na nga lang niyang ate dahi