"Mark, kuya Dean!" narinig ni Joanna na sigaw ni Reuben sa likuran nila, habang patuloy lang sa pagpalitan ng putok ng baril. Nagsitakbuhan at nagsigawan na rin ang mga tao sa paligid. "Dalhin n'yo na sa kote sina ate at Ton-ton. Masiyadong maraming kalaban. Kami ang bahala rito!" Sinalubong sila ng isa mga tauhan ni Nicolo. "Mam, sir, kailangan niyo na pong makaalis rito. Padami na nang padami ang nagsusulputang kalaban." "Gomez!" sigaw ni Reuben sa kausap nila. "Ikaw na ang mag-escort sa kanila at ang mga tao mo. Ako na at ang mga NBI ang bahala rito." Kaagad namang tumalima ang itinalaga ni Nicolo na pinuno ng Interpol agents na nagbabantay sa kanila, samantalang walang tigil sa pakikipagbarilan. "Let's go! Let's go!" sinenyasan nito ang mga tauhan na koberan sila habang papunta ng k