"Ledesma, may dalaw ka!" bungad kay Bernard ng jail guard na sumulpot sa labas ng rehas. Hindi na kailangang tanungin ni Bernard kung sino ang sinasabi nitong dalaw. Noong isang araw pa niya inaasahan ang pagdating nito. Kaagad na binitiwan ni Bernard ang binabasang diyaryo, pero bago iyon ay kuyom ang mga kamay na tinitigan niya ang isa sa mga nasa picture ng headline. Si Joanna. Magkahalong sakit, galit at pag-aalaa ang nararamdaman ngayon ng binata. Ang dalawang nauna ay para sa babaeng minamahal. At ang pag-aalala ay para sa anak nila. Hinding-hindi mapapatawad ni Bernard ang sino mang nagpahamak sa anak niya. Lintik lang ang walang ganti. Kahit sino man ito, kapag nakita niya, babalatan niya nang buhay. "Tama na muna, mga kakusa," matigas na saway ni Bernard sa dalawang kapwa pr