Chapter 59

1334 Words

Nagising si Joanna sa tila ingay at iyakang naririnig niya na tila nagmumula sa sala ng mansion nina Dean. Nagtaka siya dahil nakasound proof ang kuwarto nilang mag-asawa. Pero nasagot ang pagkalito ni Joanna nang makitang bahagyang nakabukas ang pintuan. Wala rin sa loob ng kuwarto si Dean. Inaantok pa sana si Joanna at tinatamad pang bumangon. Nitong mga nakalipas na araw kasi ay panay lang ang tulog niya, kahit mga alanganing oras na. Katulad ngayon, alas diyes na ng umaga pero inaantok pa rin siya. Ang sabi ng OB-GYNE niya, normal lang daw iyon sa isang buntis. Maya maya'y napababa sa kama si Joanna nang marinig ang palakas na palakas na iyakan at sigawan. Parang boses ng mommy ni Dean at ni Gwen. At parang si Don Peter naman ang narinig niyang sumisigaw. Kaagad na lumabas ng kuwar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD