Chapter 60

3686 Words

Two years later... Nang masiguro ni Joanna na tulog na ang kaniyang mag-aama ay dahan-dahan siyang bumangon. Kanina pa niya pinipilit na makatulog pero hindi siya hinihila ng antok. Alas onse na ng gabi kaya dapat ay tulog na siya. Kaya hindi niya alam kung bakit dilat na dilat pa rin siya. Hindi naman ito ang unang beses na mag overnight sila sa hotel. Kapagkuwa'y lumapit si Joanna sa bintana ng hotel room, at bahagya iyong binuksan. Nasa mababang floor lang sila pero nalalanghap pa rin niya ang sariwang hangin dito sa Royal Botanic Garden Victoria, Melbourne Australia. Ilang sandaling nakatitig lang sa kagandahan ng paligid si Joanna, habang sinasamyo ang malamig na simoy ng hangin. Nang maalalang baka mahamugan ang bunsong anak na si Cassidy ay umakto si Joanna na isasara ang bintana.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD