Chapter 82

1245 Words

Mariing naipikit ni Dean pabalik ang mga mata nang sa pagdilat niya ay naramdam siya ng sakit sa ulo. Para siyang may hang over na ewan. Hindi niya matandaang uminom siya kagabi. Kape ang huli niyang iniinom at hindi alak. Pero ang labis na ikinagulat ni Dean ay nang malamang wala siyang pang-itaas at nakaposas ang dalawang kamay niya sa kama. Gan'on din ang kaniyang dalawang paa. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Nasa loob siya ng malawak pero hindi pamilyar na kuwarto. Kung pagbabasehan ang paligid, mukhang silid ito ng isang babae. Mula sa bahagyang nakabukas na bintana ay mukhang mataas na ang sikat ng araw. Nasaan ako? At ano ang nangyari sa'kin? Nalilitong tanong ni Dean sa isip niya. Kahit ano talagang pilit niyang isipin kung ano ba ang nangyari, walang pumapasok sa utak niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD