Nasa tapat na sila ng hotel room nilang mag-asawa pero parang ayaw pa ring bitiwan ni Dean si Cassidy. Parang feeling niya ay mawawala na naman sa kaniya ang anak. Hanggang ngayon, hindi pa rin tuluyang nabubura sa isipan niya ang bangunot noong nakaraang araw. Lumalakas pa rin ang kabog ng puso ni Dean sa tuwing pumapasok sa isip niya ang napakasamang panaginip na iyon. Sa gabi ay nagigising pa rin siya na umuungol at umiiyak. Mabuti na lang at walang kapaguran siyang binabantayan ng asawa. Kulang na lang ay hindi na ito natutulog para lang bantayan siya sa gabi. "Daddy, matagal pa ba tayong uuwi?" naglalambing na tanong ni Cassidy. Nakakunot ang noong nilinga ni Dean ang kalong na anak. "Bakit, princess? Gusto mo na bang umuwi?" Matigas na umiling-iling ang anak. "No, Daddy! Ayoko