Chapter 76

1504 Words

Hinihingal na bumangon si Joanna. Pero mas nataranta siya nang makitang panay ang ungol ng asawa at umiiyak habang natutulog. Sa kabila nang malakas na kabog ng kaniyang puso at nanginginig na katawan ay dali-daling ginising ni Joanna si Dean. "Sweetheart! Wake up! Heart!" malakas niya itong niyugyog sa balikat ngunit patuloy lang ito sa pag-ungol at pag-iyak. Hindi na inalintana ni Joanna ang sarili na hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang panginginig ng buong katawan. Mas natatakot siya ngayon para sa asawa. Niyugyog niya ito ulit nang malakas sa balikat pero hindi pa rin ito nagigising. Inisip ni Joanna na baka binabangungot ang asawa kaya pinisil-pisil niya nang madiin ang mga daliri nito sa paa. Nalaman niya sa kaniyang Inay ang gan'ong paraan ng paggising sa taong binabangungo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD