"ONE... Two... three!" Nagbilang muna si Tiffany sa utak niya. saka niya ipinihit ang seradura ng pinto ng silid na kinaroroonan daw ni Bearlan Grylls. Nag-sign of the cross naman siya bago iyon itinulak para mabuksan at bigyan daan ang sarili niya para pumasok. Sumilip muna siya at napalunok siya nang makita nga ang binata sa loob ng magarang silid na panlalaki. Nakapamulsang nakatayo malapit sa bintana si Bearlan. Parang may tinatanaw ito sa malayo kaya likod lang muna ng binata ang nakikita niya. "Close the door!" Napakislot siya nang husto nang biglang nagsalita ang binata. "O-opo," tarantang sagot niya. Napansin na pala siya. "What's your name?" Lumaki ang mga mata ni Tiffany. Hindi niya naman kasi siya sinabihan na may interview rito. Charot! "Didn't you hear me? I'm asking y