"WAAHHH! I resign!" Parang maloloka na biglang pasok si Tiffany sa silid nila ni Vicky. Pero pinandilatan siya ni Vicky. May isinisenyas. "Hindi ako makakatagal sa kanya, Vicky! Grabe ang kabaliwan niya!" ngunit hindi niya 'yon nakuha. 'Yong pasimpleng dilat-dilat ng mata at nguso-nguso ni Vicky sa kanya kaya pagpapatuloy niya. Kaya naman anong gulat niya nang biglang may nagsalita sa bandang tagiliran niya. "What's the problem, Tiffany?" Si Madam Amelia nakaupo sa gilid ng kama niya. Para naman tuloy siyang nakakita ngayon ng multo at nabuhusan ng pagkalamig-lamig na tubig. Parang matatae rin. Halu-halo na. "M-Madam, 'andito po pala kayo?" maasim ang mukhang aniya. "Yeah, and what did I hear that you're going to resign? For what reason? At sino 'yong baliw kamo?" "Uhmm..." Wala siy