KABANATA 82: MULI na naman naginit ang sulok ng aking mga mata. Tumango ako habang kagat ang ibabang labi. “Aantayin ko na maging okay din ang pamilya mo sa akin. Alam kong disappointed sila na nagkagusto ka sa katulad ko. Pangako ko naman na mamahalin at aalagaan kita. Magsisikap ako para maging karapat-dapat sa paningin nila.” “Shh... you don’t have to prove yourself to anyone, Rica. For me, you are enough. Achieve your dreams not for other people but because it will make you happy and it is a self-satisfaction. My parents will eventually approve about this. They can’t do anything. We’re going to get married with or without their consent. You must focus on our growing family. Stop overthinking, baby...” May lakas na loob na kong kausapin sila Mama. H