KABANATA 83: EXCITED akong gumising kinabukasan. Akalain mo na may energy ako na gumising ng maaga kahit na pinuyat ako ni Logan. Umuungot pa sa akin na baka naman sa huling pagkakataon ay magbago ang isip ko. Ayaw niya kasi akong magtrabaho talaga at natatakot siya na mahirapan ako. Dahil sa may pagka-pride ang lola mo, syempre hindi ako pumayag. Ganoon pa rin ang paninindigan ko. Hanggat maari ayokong umasa sa kanya. Iniwan ko si Logan na nakadapa pa sa kama. Naghihilik at pagod na pagod. Napangiti ako ng dumiretso sa banyo para maligo. Dahil maaga ay natural lang na malamig ang tubig. Mabuti at talagang may heater sila. Hindi mahirap maligo sa umaga. Hindi ko na kailangan mag-init ng tubig. Sa sobrang kasabikan nakuha kong bumangon ng maaga e, sam