KABANATA 42: MAAGA akong gumising kinabukasan. Iniwan ko si Logan sa kama na nakadapa pa at tulog na tulog. Naligo ako at nakapagbihis na tsaka ko siya ginising. Kalahati nga lang ng mata ang nakabukas dahil antok na antok pa. Kaso hindi ko naman pwedeng hayaan siya dito kaya kailangan niyang lumipat. “What time is it?” tanong niya ng makaupo na sa kama at nakatakip ang mga mata. Nasisilaw ata dahil sa nakabukas na ilaw. “3:30 pa lang. Umakyat ka na sa taas kasi aalis na din ako.” Kailangan kong maagang umalis kasi punuan pa sa bus. Kapag may araw na ko bumiyahe trapik naman na. Kalahating araw na lang ang stay ko sa amin. Susunduin pa namin si Esmeralda sa bahay ng nobyo nito. Hindi ako papayag na duon ang kapatid ko. “Ang aga-aga pa. Pano